Lagi na lang nag- aabang sa iyong pagdating 
Ikaw pa rin ang reyna ko at tangi kong hiling 
Sa 'yo ko lang 'yon nadama ang hirap nang gawin 
Bumalik sa dating tayo at muli kong damahin 
Pagmamahal mong inalay para sa 'kin 
Kung inalagaan ko siguro'y nasa akin 
Di ko sinasadya na ito pa ay sayangin 
Kung tayo ay magkita lalapit ka ba sa 'kin 
Kahit na ngayon tila ba 'di mo na ako kilala 
Alaala mo sa akin ay nananatiling masaya 
Sa imahinasyon na lang kita nakakasama pa 
Dahil alam ko na malabo kang bumitaw sa kanya 
Buti ka pa 'di mo na inaalala 
Ang mga nangyari sa 'ting dalawa 
Sa 'ting dalawa 
Kung meron mang isang hiling 
'Yun ay ang makapiling ka 
'Di na 'ko gumaling 
Simula nung nawala ka 
Buti ka pa masaya ka na 
Habang ako ay pinagsisisihan ka 
Kitang- kita kong masaya ka sa kanya 
Mukhang 'di mo na ako hinahanap- hanap pa 
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya 
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka 
Buti ka pa ngayon nakangiti 
Maligaya sa 'yong desisyong talikuran ako 
Habang ako ito 
Hindi mabuo sapagkat alam ko na may kulang ako 
Buti ka pa wala na sa 'yo 
Buti ka pa meron nang totoo 
Sa 'yo na nagmamahal kahit dapat 
Talaga iyan ay ikaw lang at ako 
Wasak na wasak wasak na wasak 
Ilang alak na rin 'yung naubos 
Sa kada gabi kong iyak 
Alam kong basag pa rin naman 'yan 
Kahit tama ng alak maubos lahat 
Puno ng saya sa 'yong mga mata 
Habang ang 'yong kamay ay nasa kanya na 
Hindi ko makayang makita kita 
Makita kitang hawak na ng iba 
Papa'no kita mababawi kung kahit 
Pangalan ko ay nalimutan mo na 
At 'di mo na rin maalala kung pa'no 
Kita surpresahin at mag- abala 
Paano kaya ngayon 
Alam ko na ito ay huli na 
'Di mo na rin magawa na gawing ako ay alahanin mo pa 
Sana ako na lang 'yung katabi mo ngayon 
Kasabay mong matulog hanggang sa bumangon 
Hindi na lang sana 'ko nagpatangay 
Makipaghiwalay pa sa 'yo noon 
Kaso huli na para pa pagsisihan kasi 
Ngayon ay maligaya ka na 
Oo masaya 'yun nga lang 'di sa 'kin 
Kung 'di sa iba kung 'di sa iba 
Kung meron mang isang hiling 
'Yun ay ang makapiling ka 
'Di na 'ko gumaling 
Simula nung nawala ka 
Buti ka pa masaya ka na 
Habang ako ay pinagsisisihan ka 
Kitang- kita kong masaya ka sa kanya 
Mukhang 'di mo na ako hinahanap- hanap pa 
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya 
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka