menu-iconlogo
logo

Hanggang Kailan Kita Mamahalin

logo
歌詞
Kay rami nang nagbago sa buhay

Mula nang tayo'y nagmahalan

Puso ko'y natutong

Tumibok sa isang kumpas

Hanggang isang pintig na lamang

Ang marinig mula sa 'ting dibdib

Ngunit paraiso na ating narating

Ngayo'y naglalaho tulad ng isang bituin

Habang ikaw ay naririto sa dibdib

Ipaglalaban ko ating pag-ibig

Sa harap ng paghihirap at pasakit

Ako'y handang magtiis

Hangga't 'di kita lubusang maintindihan

Aaminin ko ang pagkukulang

Hanggang kailan kita mamahalin

Tanong ng puso ngayo'y naninimdim

Kay rami nang nagbago sa buhay

Mula nang tayo'y nagmahalan

Puso ko'y natutong

Tumibok sa isang kumpas

Hanggang isang pintig na lamang

Ang marinig mula sa 'ting dibdib

Ngunit paraiso na ating narating

Ngayo'y naglalaho tulad ng isang bituin

Habang ikaw ay naririto sa dibdib

Ipaglalaban ko ating pag-ibig

Sa harap ng paghihirap at pasakit

Ako'y handang magtiis

Hangga't 'di kita lubusang maintindihan

Aaminin ko ang pagkukulang

Hanggang kailan kita mamahalin

Tanong ng puso ngayo'y naninimdim

Oh

Habang ikaw ay naririto sa dibdib

Ipaglalaban ko ating pag-ibig

Sa harap ng paghihirap at pasakit

Ako'y handang magtiis

Hangga't 'di kita lubusang maintindihan

Aaminin ko ang pagkukulang

Hanggang kailan kita mamahalin

Tanong ng puso ngayo'y naninimdim

Habang nadaramang kailangan mo ako

Kung hanggang kailan kita mamahalin

'Yan ay 'di na kailangan pang tanungin