Kalungkutang bumabalot sa aking kalooban
Kay hirap, kay bigat ng nararamdaman
Paano kaya ito malalagpasan
May bukas pa kayang naghihintay.
Sa tuwing tila di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag asang pinanghahawakan
May awa ang dios
May awa ang dios
Kayakap sa bawat gabing dumadaan
Pagtitiwala sa magagawa ng maykapal
Umaasang sulirani'y malulunasan
Dalangin nawa'y kaawaan
Sa tuwing tila di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag asang pinanghahawakan
May awa ang dios
Salamat sa makapangyarihang awa
Na nagbibigay lakas sa akin
Sa tuwing tila di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag asang pinanghahawakan
May awa ang dios
Sa tuwing tila di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag asang pinanghahawakan
May awa ang dios
May awa ang dios
May awa ang dios
May awa
Ang dios