menu-iconlogo
logo

Day Off

logo
歌詞
Merong mga araw na ayokong gumising sa umaga

At ang tanging gusto ko lang ay nakahilata doon sa kama

Yeah yeah yeah its a lazy day, day off ko naman so its ok!

Yeah kaya hayaan mo muna ako na mag relax sa kama

Tanghali na naman pero kulang parin ang tulog ko

Umahon lang ako dahil kinakalam sikmura ko

At diko masikmurang matulog ng gutom

Baka kasi sa panaginip magtagal at makulong

Naglalakbay ang kamalayan ng hindi namamalayan

Patungo sa luntiang matatayog na halaman

Animo'y naghahanap ng sagot sa kalikasan

At anino ay lumikas pataas sa kalayaan

Anong ay ibig sabihin, mensahe ba'y para sa akin?

Sinilang na kristianong't alipin sa pamahiin

Pero kung iyong susuriin at iyong pagiisipan

Lahat ng nakagamtam mo ay iyong pinagsikapan

Pangarap mo na binuga at binulong sa hangin

Sinabayan ko pa ng Libo libong amanamin

Lahat ng panalangin di basta basta matutupad

Di puro asa sa biyaya dapat ka din magsipag

Merong mga araw na ayokong gumising sa umaga

At ang tanging gusto ko lang ay nakahilata doon sa kama

Yeah yeah yeah its a lazy day, day off ko naman so its ok!

Yeah kaya hayaan mo muna ako na mag relax sa kama

Di ko sinasabing sa taas huwag kang manalig

Maniwala karin sana sa sarili mo na kabig

Kung di ka bibilib eh sino pa sa iyo ang papanig

Di lahat ng problema dapat mong ipasa langit

Wag mo lahat isapa, kailangan din magpasa

Lamat sa kanya't binigyan tayo ng pagasa

Pinaulanan ng gracia at iniwas sa disgrasya

At sa masama na karma lagi kang dinidistansya

Pero minsan, gusto ko lang gawin ay magbabad

Magpausok lang ng magdamag

Sa ulap nais lumilipad

Lumutang at iwasan ang mga responsibilidad

May mga tungkulin na kailangan gampanan

Alam kong dapat kong gawin pero maya maya nalang

Kaya Magyayaya nalang ng tropa at maglilibang

Ang makamundo na pag nanasa sa akin nag aabang

Merong mga araw na ayokong gumising sa umaga

At ang tanging gusto ko lang ay nakahilata doon sa kama

Yeah yeah yeah its a lazy day, day off ko naman so its ok!

Yeah kaya hayaan mo muna ako na mag relax sa kama

Merong mga araw na ayokong gumising sa umaga

At ang tanging gusto ko lang ay nakahilata doon sa kama

Yeah yeah yeah its a lazy day, day off ko naman so its ok!

Yeah kaya hayaan mo muna ako na mag relax sa kama

Day Off Aziatik - 歌詞和翻唱