menu-iconlogo
logo

Sa Susunod Na Lang

logo
歌詞
Halos limang oras na akong nag-aantay sa iyo

Nag-aabang ako sa labas ng bahay niyo

Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana

Magpakita ka'y parang 'di yata

Ilang beses ka nang lagi na lang ganyan

Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nandyan

Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana

Kase kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa

Sa susunod nalang sa susunod nalang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi nalang sa susunod nalang

Napupuyat nako kakapa-alala

Kumain at mag-ingat kung sakaling maggala ka

Laging sinisipat ang imahe ng dalaga

Na pangarap makasama ko sa hirap at ginhawa

Tipikal na dahilan ng tagahanga mong

Hindi naghahanap ng iba kahit na nababatong

Naghihintay sayong sagot sa'king mga tinatanong

Habang ang pamantayan mo ay pilit kong tinatalon

Kase alam ko na hindi ka pa handa

May gusto kang makita pa sa'kin at madama

Kaya 'eto ako naghahanda 'kong madapa

Kung mabigo sa ngayon ayos lang kase may bukas pa

'Di nauubos yun kaya kahit kumukunot na ang noo ko

Ay sa alon naten ay sumusunod nalang

Susuyuin ka kahit hindi mo pa mapunuan

Yung ikaw sa salitang tayo ayos lang sa susunod nalang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa

Sa susunod nalang sa susunod nalang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi nalang sa susunod nalang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa

Sa susunod nalang sa susunod nalang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi nalang sa susunod nalang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa

Sa susunod nalang sa susunod nalang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi nalang sa susunod nalang