Kapag naaalala ko ang mga araw
na magkasama tayong dalawa
Ngiti at luha sa aking mga mata
ganun na pala tayo dati kasaya
Yung tipong kapag tayo'y nagkatitigan
Magngingitian para bang nahihibang
Mag iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran
kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakielam
Panahong nandun ka pa laging pumupunta
'Di inaasahan may sorpresa ka laging dala
Ang saya saya ayoko lang pahalata
Kase okay na naman ako basta makasama ka
Kaso lang wala na pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko wala nang makakagawa
Makakatumbas ng 'yong napadama
Kaya salamat sa pag ibig mo, pag ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita
Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin kita
Kase di ko na matiis love
Dahan dahan kitang namimiss love
Ilang beses man nilang aliwin ikaw at ikaw pa rin
ang gusto kong kinikiss love
'Di pumapayag na di kita kasama
Kung makayakap daig pa mag asawa
Naka alalay sa ano mang bagay
Mawala man ako sa sarili laging nandyan ka
At kung mababalik ko lang
Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan
Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan
Balang araw kaso biglang umulan
Dahil nga wala ka na pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko wala nang makagagawa
Makakatumbas sa 'yong napadama
Alam ko namang kasalanan ko, oh sinayang ko
Malabo nang pagbigyan mo, malabo nang pagbuksan mo
Kahit ano pang paghirapan ko, pano kung ayaw mo
Anong magagawa ko, anong magagawa ko
Kaya salamat sa pag ibig mo, pag ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita
Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin kita
Kaya salamat sa pag ibig mo, pag ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita
Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita, ipagdadasal pa rin kita