Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo
Ang bayan ko sa Cotabato kasing gulo ng isip ko
Di alam saan nanggaling, di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila sila ang naglalaban
Di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkaganon ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipiyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana nagkagulo ang bayan ko
Sa bayan kong sinilangan, sa Timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong nyo
Kapayapaa'y bigyang daan, kapayapaan ng bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong, tutulong ng buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung makatulong gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso narin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan, isipin mong sya'y may puso rin
Katulad mo
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ang kinakalaban mo
Ang gulo