Haaa.. haa yeaahh
Haaaaa.. haaa..
Lalalalala lala...
Kamusta ka? Ayos ka lang ba?
Sana okay ka lang lagi para di na mangamba
Alam kong ikaw at ako hindi na pwede talaga
Ngunit dimo maaalis sakin na sayoy mag alala
Dahil namimiss kita kaya ako na inspira
Kaya ako na inspira kase nga namimiss kita
Kahit ang mga tropa ko sakin ay nainis sila
Kase mag move on hindi naman yun mabilis diba?
T4ng ina... para na akong gago
Ikaw parin sa isip kahit meron ka ng bago
Ikaw parin sa puso ang sakit hindi matago
Sa pusot isip ko hinding hindi ka maglalaho
Hanggang ngayon sa buhay ko ikaw nagpapaikot
Kahit alam ko na akoy unti unting nilimot
Habang kayoy bumubuo ng bagong alaala
Yung alaala natin binura at nawala na
"Kung kaya ko lang maibalik ang ating nakaraan
At ating pagmamahalan
At kung bakit pa umabot sa katapusan
Kahit wala na mananatili ka sa aking alaala"
Ara araw, gabi gabi kita na nakasama
Ang makatabi ka ng ganito hiling ko sana
Ay wag na magtapus at sana di kana mawalay
Dahil sayong tabi akoy payapa at nasanay
Naaalala ko noong ikaw pa ay sa akin
Lagi tayong nagtatalo kung saan tayo kakain
Naalala ko noong ako pa ang mahal
Lagi tayong nagpaplano kung saan mamamasyal
Naaalala ko nong buhay ko ay decolor
Lagi tayong nag gagala habang angkas ka sa motor
Naaalala ko kapag di tayo lalabas
Tayoy nakahiga lang at maghahanap ng palabas
Naalala ko noon pag tayoy mag ka yakap
Ayokong bumitaw dahil ito aking pangarap
Na habang buhay hawak ka at makasama ko
Sorry ha, kung ito lahat naaalala ko
"Kung pwede lang humiling
Na ikay magbalik dito sa aking piling mahigpit kang yayakapin
At kung bakit pa umabot sa katapusan
Kahit wala na mananatili ka sa aking alaala"
Kamusta ka? Ayos ka lang ba?
Eh ako kamusta na? Eto ta-tangatanga
Dahil nakikita ko masaya kana sa kanya
Habang ako ito nag da drama drama pa sa kanta
Oo puro lang panggap na itoy aking tanggap
Totoo diko tanggap na ito ang naganap
Yung iniingatan ko inalis ng panginoon
Yung iniingatan ko namimiss ko nalang ngayon
Bat ganon? Haha natatawa nalang ako saking sarili
Pero sana jan ka lang, sa aking alaala
At sa dating panahon kahit sa alaala lang
Promise okay na ko don
Sorry namimiss kita ako ay pag pasensyahan
Sa drama ko nadamay pa si Yumi ng Repablikan
Sa alaala dika binura dahil may dahilan
At sa aking alaala pwede kang balikan
"Kung kaya ko lang maibalik ang ating nakaraan
At ating pagmamahalan
At kung bakit pa umabot sa katapusan
Kahit wala na mananatili ka saking alaala haaa yeah
Saking alaala aaahhh alaala...