menu-iconlogo
logo

Lord Patawad

logo
가사
Kinakausap lang kita kapag ako'y nangangailangan

Baka may kakilala ka na pwede kong utangan

Kasi alam mo na sa tong its talo ako

Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero

Kinakausap lang kita kapag

Ako'y nangangailangan

Sana'y may artista na

Maka date man lamang

Okay lang sa akin kahit

Na si joyce jimenez

Sana ako'y pumogi, pumuti

At maging flawless

Kinakausap lang kita

Kapag nangangailangan

Noong ako'y binasted

Ng aking nililigawan

Problemado po ako at

Wala 'kong pang inom

Ang hina ko sa'yo, yun

Ang hinala ko noon

Kinakausap lang kita kapag

Ako'y nangangailangan

Ang aking iniisip puro pan sarili lamang

At kapag may mabigat

Na problema at seryoso

Doon ko lang naaalala ang pangalan mo

Chorus

Lord, patawad pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'pag may bagong damit na ipagyayabang

'pag may bagong biling mahal na pabango

Kapag bago ang shoes o kaya ang relo

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

Pag may jowa akong makakalampungan

Kapag may mga bebot na ang gaganda

Kapag merong baklitang nakakatawa

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'pag andyan ang tropa't nagkayayaan

Hahanap ako ng mapagtitripan

Pagkatapos ng misa ay aabangan

Chorus

Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Akala ko dati ay kaya ko na

Kaya ko nang mabuhay mag isa

Ang daming trabaho, babae't pera

'pag ako'y sagana 'di kita kilala

Naalala kita noong ako'y nakulong

Parang bubuyog, bulong ng bulong

'pag may kamalasan sa 'king nangyari

Ikaw lang nang ikaw aking sinisisi

Kapag merong debate, sinong magaling?

Sinong matuwid sino ang nagsinungaling?

Ako'y naiiling at mistulang sanggol

'di man lamang kita kayang ipagtanggol

Sinosolo ko lang ang

Bigay mong blessing!

Kumanta ako dapat ay bayad din

Bakit nga ba sa'yo ay wala akong time

Pa'no kung ikaw na ang

Mawalan sa akin ng time?

Lord, patawad

Lo o o o,o o o

Lord...

Lord, lord, lord, patawad

Lo o o o,o o o

Lord...

Sa puso ko'y lagi siyang kumakatok

'di ko binuksan, 'di ko pinapasok

Tuktok ng bundok na kanyang inakyat

Tignan ko pa lang ako ay nilagnat

Dapat ako ang ipako sa cross

Dapat ako ay siyang nanlilimos

Nag awad ng tawad sa ating ama

Ngunit masama pa ang pinadama

Dadadadadadadadadada

Puro ako salita at dada

Sa biyaya ako'y naaatat

Pero kahit kailan 'di nagpasalamat

Nagduda ako sa kakayahan mo

'di ako nararapat sa'yo

Masyado akong mapagmalaki

Pero kahit kailan, hindi ka nag higanti

Lo ord, patawad

Lo o o o,o o o

Lord...

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, lord, lord, patawad

Lo o o o,o o o

Lord...

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang