menu-iconlogo
logo

Lord Patawad

logo
가사
Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan

Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan

Kasi alam Mo na sa tong-its, talo ako

Puwede bang bigyan ako kahit anim na numero?

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan

Sana'y may artista na maka-date man lamang

Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez

Sana ako'y pumogi, pumuti, at maging flawless

Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan

No'ng ako'y binasted ng aking nililigawan

Problemado po ako at wala 'kong pang-inom

Ang hina ko sa 'Yo, 'yun ang hinala ko noon

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan

Ang aking iniisip, puro pansarili lamang

At kapag may mabigat na problema at seryoso

Doon ko lang naaalala ang pangalan Mo

Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'Pag may bagong damit na ipagyayabang

'Pag may bagong biling mahal na pabango

Kapag bago ang shoes o kaya ang relo

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'Pag may jowa akong makakalampungan

Kapag may mga bebot na ang gaganda

Kapag mayro'ng baklitang nakakatawa

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'Pag and'yan ang tropa't nagkayayaan

Hahanap ako ng mapagti-tripan

Pagkatapos ng misa ay aabangan

Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Akala ko dati ay kaya ko na

Kaya ko nang mabuhay mag-isa

Ang daming trabaho, babae't pera

'Pag ako'y sagana, 'di Kita kilala

Naalala Kita no'ng ako'y nakulong

Parang bubuyog, bulong nang bulong

'Pag may kamalasan sa 'king nangyari

Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi

Kapag mayro'ng debate, sino'ng magaling?

Sino'ng matuwid? Sino ang nagsinungaling?

Ako'y naiiling at mistulang sanggol

'Di man lamang Kita kayang ipagtanggol

Sinosolo ko lang ang bigay Mong blessings

'Pag kumanta ako, dapat ay bayad din

Bakit nga ba sa 'Yo ay wala akong time?

Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa 'kin ng time?

Lord, patawad

Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord

Lord, Lord, Lord, patawad

Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord

Sa puso ko'y lagi S'yang kumakatok

'Di ko binuksan, 'di ko pinapasok

Tuktok ng bundok na Kan'yang inakyat

Tignan ko pa lang, ako ay nilagnat

Dapat ako ang ipako sa cross

Dapat ako ay siyang nanlilimos

Ng awa't patawad sa ating Ama

Ngunit masama pa ang pinadama

Da-da-da-da-da-da-da-da-da-da

Puro ako salita at dada

Sa biyaya, ako'y naaatat

Pero kahit kailan, 'di nagpasalamat

Nagduda ako sa kakayahan Mo

'Di ako nararapat sa Iyo

Masyado akong mapagmalaki

Pero kahit kailan, hindi Ka naghiganti

Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh)

Makasalanang nilalang (Lord)

Lord, Lord, Lord, patawad

'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh)

Makasalanang nilalang (Lord)

Lord Patawad - Bassilyo - 가사 & 커버