menu-iconlogo
logo

Prinsesa Ko

logo
가사
Paggising ko sa tanghali

Naaalala ko ang iyong ngiti

Kompleto na naman ang araw ko

Pagbukas ko ng kompyuter

Sana ay online ka sa internet

Baka sakaling makausap ka ulit

Nar′yan ka lamang, pero parang ang layo mo

Para bang kinukurot ang puso kong ito

Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko

Ika'y nandito na at kayakap ko

Parang buang, monitor ang hinahalikan

Niyayakap ko na lang o ′di kaya'y tinatabihan

Ang 'yong larawan, palagiang minamasdan

Bago matulog ay nais kitang hagkan

Nar′yan ka lamang, pero parang ang layo mo

Para bang kinukurot ang puso kong ito

Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko

Ika′y nandito na at kayakap ko

Bawat oras, bawat sandali, 'di ako makangiti

Lagi kong hinihingi, sana naman ay umuwi

Sa bahay na nasanay, dati-rati ′tong maingay

Dati-rati ring makulay, ngayon ay wala nang buhay

Puro anay at alikabok, usok at mga lamok

Tumitilahok na manok, hindi pa din inaantok

Sa sulok ay nag-iisa, sobrang miss na miss kita

Picture mo'y laging dala, maski sa′n ako magpunta

Nag-aalala kung nasa'n ka

Kumain ka na ba? Kung okay ka

Dapat palagi ka lang masaya

Okay lang ako, ′wag kang mag-alala

Hinahanap-hanap kita

Gabi-gabi na lang na panaginip ka

Nananabik ako na makapiling ka

Pinagdarasal ka 'pag nagsisimba

Dating SIM pa ang ginagamit

Hindi nagpapalit kahit gasgas na

Mag-text ka na lang o tumawag ka

Kung wala kang load, mag-request ka

Mag-email ka o telegrama

Alam mo naman kung saan ako nakatira

Sige na, bumalik ka na, please lang

Gagawin ang lahat makapiling ka lang

Nar'yan ka lamang, pero parang ang layo mo

Para bang kinukurot ang puso kong ito

Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko

Ika′y nandito na at kayakap ko

Miss na miss ko na ang prinsesa ko

Miss na miss ko na ang anak ko

Prinsesa Ko - Bassilyo - 가사 & 커버