Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat
Bakit pa dumating ang oras na ito
Nabalitaan ko na wala ka na
Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan
'Di papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda
Bakit bigla ka na lang nandyan
Sa kabilang buhay
Paano na ang lahat paano na ako tayo
'Di ba't sinabi mo sa 'kin
Na sabay tayong mangangarap
Bakit bigla kang lumisan
Nang hindi man lang nagpaalam
Isang malamig na hangin
Ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig
Na magpapaalam ka na
Hindii ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan
'Di papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda
Bakit bigla ka na lang nandyan
Sa kabilang buhay
Sa aking pagbuklat ng unang pahina
Kitang kita ng aking dalawang mata
Ang isang pilas na nawala
Na lubos kong ikinabigla ang 'yong pagkawala
Mahal kumusta ka na
Alam mo bang miss na miss na kita
Sana'y mayakap mahagkan na rin kita
Eto ako oo eto ako
Na palaging pinipiling umidlip managinip
Dahil 'yun lang naman ang dahilan para tayo'y mabuo
'Di ba't sabi mo
Alam mo bang gusto ko nang sumunod
Dahil lunod na ako sa lalim ng kalungkutan
Ngunit batid lkong hindi mo 'yun magugustuhan
Kaya paalam na para
Maramdaman mong pag ibig ko ay tunay
Susundan na lamang kita diyan sa kabilang buhay
Hindii ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan
Hindi papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda
Bakit bigla ka na lang nandyan
Sa kabilang buhay
Hindii ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan
Hindi papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda
Bakit bigla ka na lang nandyan
Sa kabilang buhay