menu-iconlogo
logo

Malalampasan

logo
가사
Ako′y may pangarap din

Nais ko rin abutin

Ngunit, paano ba ito mararating?

Kung sa araw-araw

Kailangan gumapang sa buhay

Harapin ang hamon ng mga pagsubok

Sa landas ko'y nagdaraan

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Magtitiis lang palagi, kahirapa′y mapawi

Lahat malalampasan

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Pag-asa ko ma'y maliit

Pagsisikapang mabuti

Lahat ng hirap ko, malalampasan

Malalampasan, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh

Swerte saki'y mailap

Pagkakatao′y hinahagilap

Kailan ba madarama, asam kong ginhawa?

Pagod ′di alintana, tuloy sa pakikibaka

Dumadalangin lagi sa Maykapal

Bigyang lakas at katatagan

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Magtitiis lang palagi, kahirapa'y mapawi

Lahat malalampasan

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Pag-asa ko ma′y maliit

Pagsisikapang mabuti

Lahat ng hirap ko, malalampasan (malalampasan)

Malalampasan

Umaga, tanghali, hanggang gabi (umaga't gabi)

Umaraw man o umulan

Magtitiis lang palagi, kahirapa′y mapawi

Lahat malalampasan (ooh)

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Pag-asa ko ma'y maliit

Pagsisikapang mabuti

Lahat ng hirap ko, malalampasan

Umaga, tanghali, hanggang gabi

Umaraw man o umulan

Magtitiis lang palagi

Pagsikapang mabuti

Lahat ng hirap ko, malalampasan