menu-iconlogo
logo

Takipsilim

logo
Тексты
Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon

ako sa’yo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

‘Yan ay ‘di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

Paggising sa umaga diretso sa banyo

Naligo ng maaga, nilakasan ang radyo

Habang pinili ang paborito kong damit

Na ginamit ko nung tayo’y magkakilala

Lumabas ng bahay, tumingala sa langit

Kahit na tulala ay mahinang inaawit

Sa’king sarili ang himig na nadinig

Sa radyo

(sa radyo)

nung tayo’y magkakilala

Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon

ako sa’yo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

‘Yan ay di ko nagawa...

Noong ikaw ay akin pa

Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot

At ang laman na hangin

sa baga’y ‘di aabot

Kahit nalaman ay ‘di naman ako galit

Ibinaling ko sa dami ng naalala

Tanong ko sa aking sarili

Ano ang gagawin ko?

Lahat ng tila imposible

Pagkakasyahin ko

Lalangoy sa dagat maliligo sa ulan

Maghahanap ako ng makahiya sa damuhan

Habang lumalakad ng nakapaa sa putikan

Ang oras ay ngayon

walang tanong na kailan

Asintahin mga bituin

pagmamasdan ng mabuti

Magbebenta ng mura

‘di bale na kung malugi

‘Wag kang mag aalangan

bawasan ang muni muni

Dapat ‘di ka natatakot

bahala na kung mahuli

Aking sasabihin

ang lahat ng gusto kong sabihin

Lulusungin ang lahat

ng gusto kong sisirin

Mailap na kasaguta’y aking hahanapin

Ang mga mahal sa buhay ko

ay aking yayakapin

Lumuhod sa Ama, tumingala nang

ang maling nagawa mabaliwala

Ang paalam ay isang malungkot sa salita

Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa

Kaya sabihin mong mahal mo s’ya

Bago mahuli ang lahat

Kalagan mo ang dilang kagat

Tapos bumalik sa umpisa

para lang humina lahat

At marinig mo ang tama’t tapat

Dahil ang buhay natin ay hiram

‘di alam kung kailan

O kung ga’no kaigsi

ang panahong nakalaan

Buhay natin ay hiram

‘yan ay dapat mong alam

Dahil ang kahapo’y ‘di

na natin pwedeng balikan

Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon

ako sa’yo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

‘Yan ay ‘di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon

ako sa’yo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

‘Yan ay ‘di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa

Takipsilim от Gloc 9/Regine Velasquez - Тексты & Каверы