menu-iconlogo
logo

Ulap

logo
Тексты
Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit san

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo

Sakin pinadama yah

Alam nyo po ba labis ang sisi ko (oh)

Bakit po ba sya ang napili ko (oh)

Kase no'ng una di ko po naisip to (oh)

Hirap makuha lalo't sobrang busy po

Nitong dalaga na kaninang umaga ko pa hanap

Maghapon kong pinangarap hanggang pagdilim ng ulap

At laging unan na lang ba ang aking makakayakap

Sa panaginip ko na lang siguro sya makakausap

Makakasama ko pero pano magkakatotoo

Kase sa twing ako'y lalapit sya ay lumalayo

May mali ba saking gamit na sabon at pabango

Di ko na nga din po alam ang itatanong sa'yo

Mahal nya ba ko sya ba'y mayron ding plano

May balak po kaya syang sumakay sa eroplano

O mananatili dito dahil ako'y nandito

Hindi umaalis naghihintay po ng sagot nyo

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit san

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo

Sakin pinadama yah yah yah

Pwedeng makuntento isang daang porsyento

Nasa sayo na kung pano ka maging kuntento

Di pwedeng nahiling ng tawad pero di natuto

Walang sinong gumaling na tumitigil mag imbento

Mag eksperimento man gawin ng pabulong

Lahat may pag asa pa kahit pa yung nakakulong

Wag na magtanong basta ibigay mo ng buong

Buo ang iyong lakas 'di to pera o bayong

Wag sabihing buhay di na fair kahit pa inaapi

Pre di pa sarado ang pinto ng langit be aware

Pare be real wag mabalutan ng fear

Kahit pa't sabihing di ka fit ituring kang weird

Ng mga tao sayong paligid wag mong sisihin

Itaas nakayuko na ulo langit silipin

Bahaghari andun sa dulo bago isipin

Na wala ka ng pag asa utoy 'ge manalangin pray

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit san

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo

Sakin pinadama yah yah yah

Salamat na agad (salamat)

Ang dalangin ay laging natutupad (natutupad)

Baka kahit di na para sakin ay binibigay pa rin

Kahit anong hilingin pa at hinahangad (hinahangad)

Mahaba pa ang panahon para magpasalamatan pa kita (wohh)

Kahit alam mo na kulang ang salitang salamat para sa mga nagawa

Mo Para sa aming mga nananalangin

Sana bitbit ng hangin tungo sayo

O aming nag iisang hari gabayan nyo po palagi

Kasama ka kahit san mapadpad ang mga paa habang

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit san

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo

Sakin pinadama

Mahal na kita

Ulap от Honcho/Jekkpot/Brando/MC Einstein - Тексты & Каверы