menu-iconlogo
logo

Pagkakamali

logo
Тексты
Minsan na rin naman akong nalito

Nagkamali ako ng daan hirap lumiko

Nakauwi na kung saan dapat ako narito

Ngayon ko lang natagpuan saya sa sarili ko

Sa liriko na sinusulat ko ngayon

Sana ay matandaan pagdating ng panahon

Dami ng napagdaanan pagkakamali ko

Diniretso ang daan di na ko nagtanong uhhh

Sabe nila hindi daw ako uusad

Dami ko daw kasalanan

Napatungan ng napatungan

Pero ito ako ngayon

Kayo kausap

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Napakadaming pwedeng tamang gagawin

Pero mas pinili mo na tama ang 'yong mahalin

Lipad sa hangin nakatingin sa mga ulap at bituin

Tamang praning nanalamin

Hindi naman kase tama ang puro daing aba'y galing

Bago ko maitatama dapat tanggap mo mali mo

Di pa naman huli yun sa tingin ko

Kase ako parang kayo tao lang din nakakatayo

Hindi naman ibig sabihin kung nagkamali mabibigo

Kaya kung nalilito ka pumikit ka lang

Isipin mo lang lahat ng alaala sa 'yong nakaraan

Lalakasan mo lang naman pakiramdam

Para matuklasan ang tamang daan

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Pagdating ng araw lumipas ang buwan

Ang 'yong kamalian lalong nadagdagan

Ang tubig aapaw pag ang baso may laman

Napupuno rin tayo dapat nating tandaan

Kung may isang dahilan na pumipigil sayo

May isang daang rason pa rin para gawin mo

Kung may isang dahilan na pumipigil sayo

May isang daang rason pa rin para gawin mo

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Pagkakamali ay di pa huli

Para itama at hindi na kailangan pag isipan

Hindi man madalian ay ayos lang

Wag magmadali wag magmadali wah

Baka mamali baka mamali baka

Pag nagkamali ay di pa huli itama di kailangan pag isipan

Wag magmadali wag magmadali wah

Baka mamali baka mamali baka

Pag nagkamali ay di pa huli itama di kailangan pag isipan

Pagkakamali от Honcho - Тексты & Каверы