menu-iconlogo
logo

Eskapo

logo
Тексты
Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan

Araw- araw na lang ang pag- aalala parang wala na siyang katapusan

Dumudugo na luha ang mga mata pag ang puso'y sugutan

Gusto ko nang lumuha ng dugo para ulo'y gumaan

Gusto ko nang matulog bukas ipagpapatuloy ko na lang

Baka alam mo ko saan ang tamang daanan pakituro mo naman

Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan

Ng kasalukuyan ang hinaharap ay pinangunahan

Pinarusahan na bilanggo sa nakaraan na kinamulatan

Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan

Kaya ako ay pumalaot nagpaanod at inabot pa ng bagyo

Sumasabog ang mga alon at pinasok pa ang barko

Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko

Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto

Naku po

Habagat na ang ihip pag malamig magkumot

Magdamag nasa isip masasakit na hugot

Masamang panaginip ang kalakip ng tulog

Kaharap pagkagising mas malaking bangungot

Kaya

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Di ko na alam kung saan ako dinadala

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Minsan gusto ko na lang na mawala na

Huwag kang magpapalimita sa iisang plano

Imbis na mainip pag- isipan pa ng maigi kung pa'no

Malimit mahilig magbilin sa ibang tao

Ngunit tila 'di ko masunod- sunod ang sarili kong payo

Katahimikan nakahiligan kapaligiran parang libingan

At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang

Naging pihikan sa pag- ibig maging sa kaibigan

Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan

Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba

Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pag- aalala

Nakakawala ng gana isip ay parang ibong lumulipad

Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad

Habagat na ang ihip pag malamig magkumot

Magdamag nasa isip masasakit na hugot

Masamang panaginip ang kalakip ng tulog

Kaharap pagkagising mas malaking bangungot

Kaya madalas ay

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Di ko na alam kung saan ako dinadala

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Minsan gusto ko na lang na mawala na

Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap

Sakit sa ulo ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak

Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap

Bukas magkatabi na butasng ilong may nakatakip na bulak

Balisong sa pulso kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig

Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg

Ang gulo ng buong daigdig wala naman yatang gustong makinig

Mas masarap pang mamundok kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib

Puno ang dibdib ng kawalan ng pag- asa parang kusang sumusuko

Ang katawan sa mga pasan na wala nang hupa

Para kang sa alcatraz pumuga sa taas ay nakakalula

Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa

At kung makatakas ka man mahal mo naman sa buhay ang sasakluhan

Nakakabuwang lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan

Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan

Nung ang makitid ko na pag- iisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Di ko na alam kung saan ako dinadala

Gusto lang namang kumawala

Ng isip kahit pansamantala

Pero bakit tila mas lumalala

Minsan gusto ko na lang na mawala na

Eskapo от Loonie/John Roa - Тексты & Каверы