menu-iconlogo
logo

Pilosopo!

logo
Тексты
Malawak ang isip, matalas ang diwa

Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila

Pag hawak ko na ang mikropono lagot

Bawat bobong tanong may pilosopong sagot

Mag aral ng mabuti yan ang dapat kong gawin

Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin

Tsaka di ko man aminin

Kung ano ang ayaw kong isulat

yun ang ibig kong sabihin

Di mo maintindihan pilit mo mang isipin

Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin

Malalim humiwa ang lirikong may ngipin

Palaging sariwa hindi nakakabitin

Bisayang dako

Diyos ko simba ko bakit ganito lahat gusto maging ako

Andami kong pangarap tutuparin ko to

Tagalog, Bisaya, Ingles may punto parin ako

Ano?

Ano mang sabihin mo

Di mo kayang tindihan

Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)

Kasalanan ko ba na di mo

maintindihan ang isang pilosopo?

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Kahit magkulabo pa kame ng sinsasabi mong the best

Ako'y karibal pag may bisita kinakain ko yung guest

Kung di mo yon na gets pwes di ka na bagets

Jejemon at putapetz pwede munang umalis

Alis, layas, malinaw ba?

Di mo ba naintindihan parang ni hao ma?

Bumbilya sa ulo ko may ilaw na

Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka

Halimaw sa mikropono

Teka muna pare

Walang sinabe mga letra mo sa akin

Tahimik bawat titik, alpabeto'y wawasakin

Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim

Tawag sa akin dun sa amin ay hari ng tugma

Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa?

Kase pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa

Anong klase? Gift wrapper o wrapper ng lumpia?

Pero

Ano mang sabihin mo

Di mo kayang tindihan

Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)

Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Tulad din ng dati kung pambungad

Ay kwento mo sa pagong

Parang kumento't mga tanong

O argumentong alam mong alam kong

alam nyong di na bago parang tunay sa di totoo

Sinung binobo nyo nung halalan

nung kailan ba sinong binoto mo?

Ako'y pipilosopo, para sa likas daliring

turong sinaulo nang mapangatawan

Bagamat matigas ang ulo'y mayrong

malambot na pusong habol ang huling

halakhak kahit na pagtawanan

Nangarap ng malayo, may natapos, san nagmula?

Umabante pataas na may pagpapakumbaba

Pinagmalaki ko na bago pa

maliitin ng mga pangungutya

Lalo na kung galing lamang sa mga walang mukha

Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita

Pero di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa

Pero baka biglang matulala,

alam mo na, magulat ma eat bulaga

Pag sinimulan ko kayong pakitaan

ng mga akala nyo sakin wala

Wala! Brrrr!

Ano mang sabihin mo

Di mo kayang tindihan

Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)

Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso?

(seryoso seryoso seryoso)

Pilosopo! от Loonie - Тексты & Каверы