menu-iconlogo
logo

SENYOR

logo
Тексты
Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

'Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit

Papunta ka pa lang, pang-walo ko ng balik

Napakapait kahit magpakabait

Kadalasan kong itrato napakasakit

Pilit ginagaya't pinaplano madaig

Parang tatay ng mga inggratong magkakapatid

Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis

Hindi rin basta nagpapadala sa dilang matamis

Pambihira ang bangis, tindigan at ng karisma

Partida 'di pa 'yan napapahiran ng langis

Beterano ang galawan, malinis kung kumitil

Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil

Kung sasagot ka sa'kin sa dulo dapat may sir

Hindi tayo magkapareho, matuto kang lumebel

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)

Ako ang naglatag ng daanan bago ka nakapanik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

Sa ganitong kultura, 'di alam ang kalakip

Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid

'Di 'to paingayan ng mga kanta sa net

O paramihan ng karangalang makakamit

O pabilisan sa karera sa eksena sa halip

Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik

'Di mo nabatid, dami mong kalaban

Hindi ka babayaran, 'yung [?] na palakpakan

'Yung mga kritiko na maraming nalalaman

At 'yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan

Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran

Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang

'Pagkat madali mag-rap, [?]

Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)

Mga ginoo at ginang

Nais ko pong magbigay pugay

Sa mga senyor at mga senyora

Na nauna sa'kin

Simulan natin kay Francis Magalona, Andrew E, Michael V, Gloc-9, at Apoca

Urban Flow, Arbie Won, Mastaplann, BB Clan, Legit Misfitz, Ghetto Dogs Version 1

Denmark, Kulay, MC Lara, Lady D, Bass Rhyme Posse, 4 East Flava, DFT

SVC, Madd Poets, D-Coy, Pamilya D, MOD, Chill, Artstrong, Trilogy

Death Threat, Syke, Oblaxz, Master Shock

Mikerapphone, Konflick, El Latino, [?]

Chinese Mafia, Down Earf, Nasty Mac

Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track

Pasensya, 'di kumpleto, 'di ko nabanggit lahat

Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap

Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak

Hayaan niyong alayan ko kayo ng mga bulaklak

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)

SENYOR от Loonie - Тексты & Каверы