menu-iconlogo
logo

Paubaya

logo
Тексты
Saan nagsimulang magbago ang lahat?

Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?

Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?

Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal.

Saan nagkulang ang, aking pagmamahal?

Lahat ay binigay nang, mapangiti, ka lang

Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?

Ako ang kasama

Pero hanap mo siya

At kung masaya ka sa piling niya

Hindi ko na 'pipilit pa

Ang tanging hiling ko lang sa kaniya

Huwag kang paluhain

At alagaan ka niya

Saan na tigil ang, pagiging totoo

Sa tuwing mababanggit, na, mahal mo ako?

Ba't 'di mo inamin na merong iba?

Ako ang kayakap,

Pero isip mo siya

At kung masaya ka sa piling niya

Hindi ko na 'pipilit pa

Ang tanging hiling ko lang sa kaniya

Huwag kang paluhain

At alagaan ka niya

Ba't 'di ko naisip na merong hanggan?

Ako 'yung nauna,

Pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata

Kung bakit pinili mo siya

Mahirap labanan ang tinadhana

Pinapaubaya, pinapaubaya

Pinapaubaya, pinapaubaya

Pinapaubaya

Ko na

Sa Kaniya