Aking ama
Salamat sa
Pag ibig
Na alay mo sa akin
Kahit na
Ako'y nagkulang
At nagkasala
Sa'yo
Ako'y pinatawad mo
Kahapong maulap
Ngayo'y nagliwanag
Unos ng buhay ay
Pinawi mong lahat
Dati rati
Ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti unting
Napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat
Ng mga tanong
Sa puso't isip ko
Nang ikaw ay nakilala
Panginoon
Binago mo ako
Kung dati'y hapdi
Ngayo'y may ngiti
Lahat ng mahirap
Naging madali
Pagka't ikaw ang s'yang
Bumuhat sa'king
Mga pasanin
Kahapong maulap
Ngayo'y nagliwanag
Bigat ng puso ay
Iyong pinagaan
Dati rati
Ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti unting
Napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat
Ng mga tanong
Sa puso't isip ko
Nang ikaw ay nakilala
Panginoon
Binago mo
Dati rati
Ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti unting
Napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat
Ng mga tanong
Sa puso't isip ko
Nang ikaw ay nakilala
Panginoon
Oooh
Binago mo
Ako
Binago mo ako
Ako'y binago mo