Minsan ay para bang 'di ko na makakayanan
Ang mga bawat bagyo na dumaraan
Ang unos sa dibdib ay sadyang 'di ko mapigilan
Ngunit ika'y sumabay sa bagyo ng aking buhay
Ibinuhos mo ang pag-ibig mo
At nilunod mo'ng bawat kirot sa aking puso
Ang pag-ibig mo'y parang ulan na hindi tumitigil
Kung pag-ibig mo'y ulan ang aking mundo sa tubig ay lulutang
Parang ulan ika'y sumabay sa aking bawat pag-iyak
Upang ang aking mga luha ay 'di mapansin
Ang unos sa dibdib ay tinangay ng 'yong pag-ibig
Ang puso ko'y niligtas sa bagyong kay lakas
Ibinuhos mo ang pag-ibig mo
At nilunod mo'ng bawat kirot sa aking puso
Ang pag-ibig mo'y parang ulan na hindi tumitigil (ah)
Kung pag-ibig mo'y ulan ang aking mundo sa tubig ay lulutang (kung pag-ibig mo'y ulan)
'Di mo ako kailan pa man pinabayaan
Tinanggap mo ang bawat bagyong dumaraan ah