menu-iconlogo
logo

Araw at Ulan

logo
歌詞
Aral mong saway ay araw na gabay

Liwanag na taglay kabutihan ang bigay

Iyong ebanghelio ay ulang pumupuno

Nang kagalakan ko at pag-asa ng puso

Kinakausap mo ako sa iyong banal na salita

Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa

Ama salamat sa pag-ibig mo na tunay at wagas

Ramdam ko ito sa iyong araw at ulan

Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas

Ito ay inihahatid ng ‘yong araw at ulan

Nasisikatan ako ng araw mo’t nawawasto

Itinutuwid mo ang hakbang kong lumiliko

Ama binubuhusan mo ako ng ‘yong ulan

Kaya lungkot at uhaw ng puso ko’y naiibsan

Kinakausap mo ako sa iyong banal na salita

Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa

Ama salamat sa pag-ibig mo na tunay at wagas

Ramdam ko ito sa iyong araw at ulan

Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas

Ito ay inihahatid ng ‘yong araw at ulan

Nahanap ang mabuting landas mo

Pagkat ako’y tinawag mo

Ito ang dakilang paraan mo

Upang mailigtas ang katulad mo

Ama salamat sa pag-ibig mo na tunay at wagas

Ramdam ko ito sa iyong araw at ulan

Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas

Ito ay inihahatid ng ‘yong araw at ulan

Araw at ulan

Araw at Ulan ASOP/Sitti - 歌詞和翻唱