Sa aking paglalakbay sa landas ng buhay
Nadarama ang paggabay sa bawat hakbang
Ngunit nalilihis ng kahinaan ng laman
Madalas nadadapa at laging nagkukulang
O Ama patawad po
Sa dami ng aking nagagawang kasalanan
Laging nasasaktan ang iyong banal na kalooban
Patuloy ka pa ring naaawa sa tulad ko
Tunay na sakdal ang pag-ibig mo
Ngayo’y lumuluhod sumasamba sa’yo
At tuwing lumalapit sa pananalangin
Dakila mong pangala’y nahihiyang sambitlain
Taglay sa puso ang pangamba at panimdim
Umaasa na lamang sa awa mo sa akin
O Ama patawad po
Sa dami ng aking nagagawang kasalanan
Laging nasasaktan ang iyong banal na kalooban
Patuloy ka pa ring naaawa sa tulad ko
Tunay na sakdal ang pag-ibig mo
Ngayo’y lumuluhod sumasamba sa’yo
Sana’y ‘di na ako mawalay pa sa’yo
Hawakang mahigpit itong puso
O Ama patawad po
Sa dami ng aking nagagawang kasalanan
Laging nasasaktan ang iyong banal na kalooban
Patuloy ka pa ring naaawa sa tulad ko
Napakasakdal ng pag-ibig mo
Ngayo’y lumuluhod sumasamba sa’yo
Sumasamba sa’yo
Dahil sa awa mo sa tulad ko