Parang humanap ng karayom sa nagtumpukang dayami
Malabo kong iisipin ngunit nagbakasakali
Sumugal ng panahon sa pag saulo ng tula
Yapak kong binabaybay malubak na panimula
Kinakapa tingin kong patag na pwedeng matapakan
Manhid na paa na may paltos sa talampakan
Nadulas sa panghahamak panghuhusga't paratang
Salita ng itaas ang syang nagsisilbi kong tapang
Pandilig ko'y tanging luha sa pinupunlang dalangin
Atlis paglumago ang pananim may aanihin
Di man ngayon o bukas o baka balang araw
Dating nasa ilalim pasulong na iibabaw
Bagamat hindi mayaman sadlak minsan sa kulang
Nandyan parin kayo sumusuporta kong magulang
Nagpalakas ng loob Lil Sisa galingan mo
Para sa inyo ipapanalo ko ang laban na ito
Ang buhay ay sadyang ganyan
Minsan ay may kalabisan
Ang mahalaga'y magawan ng paraan
At atin itong malabanan
At parang aking musika
Hangga't sa maaring mapaganda
Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
At daloy ng aking
Mabigat na tagumpay maingat kong laging hawak
Palakpakang masigabong nagpupugay mailagak
Ng daan daang kataong taimtim nakikinig
Sa kabisadong katagang lumalabas sa aking bibig
Sa kanan at kaliwa'y dinudumog ng tanaw
Mga tugo'y binabalik paglalamuna'y nauhaw
Iinum ka ng papuring malinis kong titignan
Ngunit madumi sa utak pag putol pinakinggan
Inuulan ng positibo't negatibo na kumento
Madalas nahahaluan ng mga bulong na kwento
Ano ang masama sa isang pagiging guro
Sa pribado na paaralan po ako nagtuturo
Hati sa dalawang panig kanino maghihinala
Mahal kong taga hanga sakin ka maniniwala
Di hinihingi respeto yan kusang binibigay
Kong karapat dapat bang iabot sa iyong kamay
Ang buhay ay sadyang ganyan
Minsan ay may kalabisan
Ang mahalaga'y magawan ng paraan
At atin itong malabanan
At parang aking musika
Hangga't sa maaari mapaganda
Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
At daloy ng aking
May matyagang nagaabang na magpapakuha ng litrato
Lagda ng aking pirma ay pangarap na kong itrato
Laman ng pahayagan radyo at telebisyon
Puyat sa hindi matanggihang mga imbitasyon
Sa gabing pagtatanghal pulang telon nagbubukas
Hinahawi ng pangalang sinigaw ng makalakas
Ngunit handa ko yang bitawan ng buong paninindigan
Dahil yan ay utang na loob sa inyo mga kaibigan
Ko
Ang buhay ay sadyang ganyan
Minsan ay may kalabisan
Ang mahalaga'y magawan ng paraan
At atin itong malabanan
At parang aking musika
Hangga't sa maaari mapaganda
Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
At daloy ng aking melodiya
Ang buhay ay sadyang ganyan
Minsan ay may kalabisan
Ang mahalaga'y magawan ng paraan
At atin itong malabanan
At parang aking musika
Hangga't sa maaari mapaganda
Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
At daloy ng aking melodiya