Laging hinahanap tamis ng 'yong halik
Sa mainit mong yakap ako'y nasasabik
Oh mahal laging binabalikan ang mga
Sandali ikaw pa ay nasa aking tabi
Ang alaala na kay saya isipin
Na walang hanggan
Ay magwawakas pala sa akin ng
Ng ganitong pagkasawi
Kung saan di na maaaring mahawakan
Mahaplos ng panandalian
Maabot ka ng kamay
Dahil ang pagpatawad sa isang
Kasalanang nagawa
Ang syang nagdulot ng takot sa
Pusong di mapalagay mula
Nang iniwan mo akong
Nag iisa't pinupunasan
Ang mga luha natuyo sa pagpatak ko ay
Sinasanay ko na ngang pa'no ba
Magkuwaring nakangiti natutuwa sa galak
Di maitago ang mukha ng kalungkutan
Nabakas
Ito ay pagsunod pa ang ipinakita palabas
Pag sumasagi sa isipan
Na ikaw ang kumalas
Ang sanhi ng paglalasing ko
Palagi nang madalas
Mapapahiran kaya mga hapdi na dala
Na pag ako'y iginapos sakin mo madama
Ganun ba lamang kadali makalimutan lahat
Mga pinagsamahan natin
Nauwi lang sa wala
Di ko maunwaan eh bakit
Mo kailangan parusahan
Itong pusong minahal ka ng lubos
At sa 'yong paglayo ay
Bigyan mo ng dahilang
Ipagpatuloy ang kwentong
May taning ng katapusan
Laging hinahanap tamis ng 'yong halik
Sa mainit mong yakap ako'y nasasabik
Kung nalimot na'y hayaang
Ipaalala ang lahat sayo
Ako ang 'yong mahal pakatandaan mo
Ang limutin ka'y hindi magagawa
Maliban kung tuluyang naglaho na
Ang dating pag ibig na nadarama
Muling hinahagkan naiwang alaala
Sa likod ng paglayo
Ninais mo ba talagang magtapos
Ang lahat lahat sa ganito
Ang pag ibig na inilaan ay nauwi lang
Sa pagkabigo
Sa kadahilanang di sanay mabuhay sa
Piling ng kalungkutan
Sumpang pagdurusang hinatnat
Upang tuloyang malimutan
Napagod mong pusong umasang may
Kaunti pang pagmamahal na nalabi
Ngunit ang kamalian ay
Di na maitutuwid pa
Ng pagkakamali sa puntong
Ang pagtingin ko ay nilamon ng galit
Buhat maatim talikuran ang sinimulan
Sa iyong kadamutan at pagkasakim
Ang pagkasakim na biglang gumising sa
Akin sa isang masayang panaginip
Ba't sumira sa ating pangako noon
Nang hindi man lang ito iniisip
Na tayo'y nagsumpaang walang iwanang
Binawi sa mga dasal
Hinakot ng iyong paglayo'y tinubos
Ng luha ko mahal
Laging hinahanap tamis ng 'yong halik
Sa mainit mong yakap ako'y nasasabik
Kung nalimot na'y hayaang
Ipaalala ang lahat sayo
Ako ang 'yong mahal pakatandaan mo
Ang limutin ka'y hindi magagawa
Maliban kung tuluyang naglaho na
Ang dating pag ibig na nadarama
Muling hinahagkan naiwang alaala
Sa likod ng paglayo
Di ko kaya ang malagay sa katayuan
Ay ewan ko lang kung
Di ka masiraan ng bait
Ang mapag alamang ginawa ka lang
Panakip sa nakaraan ay sadya naman
Napakasakit sa damdamin
Pangalan mo ay pilit buburahin
Pagnakita ka pa pilit tatanggalin
Kung ito ang kagustuhan
Ay wala akong magagawa
Kundi ang palayain ka at sya ang mahalin
Tinuturing ko na lang na panaginip lahat
Panaginip na hindi maaring matupad
Sarili ko paniwalain dayain
Baka sakaling masambit
Ng mga labi kong ito ay huwad
Sana'y di ka na lang
Nakilala upang mahalin
Ng tunay at wagas
Wala sanang mga kwentong buong puputulin
Tila ng pagwawakas
Dinadaing na sama ng loob
Hindi sana lumuluha ngayon
Para bang pinipilit pang ibalik kung
Ano man ang meron tayo noon
Wala kang dapat ipag alala sa akin
Dahil handang masaktan
Ngunit di ako ang nawalan kundi ikaw
Yan ang tandaan tandaan
Ang limutin ka'y hindi magagawa
Maliban kung tuluyang naglaho na
Ang dating pag ibig na nadarama
Muling hinahagkan naiwang alaala
Sa likod ng paglayo
Sa likod ng paglayo