menu-iconlogo
logo

Melodiya

logo
Letras
Parang humanap ng karayom sa nagtumpukang dayami

Malabo kong iisipin ngunit nagbakasakali

Sumugal ng panahon sa pag saulo ng tula

Yapak kong binabaybay malubak na panimula

Kinakapa tingin kong patag, na pwedeng matatapakan

Manhid na paa na may paltos sa talampakan

Nadulas sa panghahamak, panghuhusga't paratang

Salita ng itaas ang syang nagsisilbi kong tapang

Pandilig ko'y tanging luha sa pinupunlang dalangin

Atlis paglumago ang pananim may aanihin

Di man ngayon o bukas, o baka balang araw

Dating nasa ilalim pasulong na iibabaw

Bagamat hindi mayaman, sadlak minsan sa kulang

Nandyan parin kayo sumusuporta kong magulang

Nagpalakas loob, "lil sisa" galingan mo

Para sa inyo ipapanalo ko ang laban na ito

Ang Buhay ay sadyang ganyan

Minsan ay may kalabisan

Ang mahalaga'y magawan ng paraan

At atin itong malabanan

At parang aking musika

Hangga't sa maaring mapaganda

Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe

At daloy ng aking "Melodiya"

2

Mabigat na tagumpay, maingat kong laging hawak

Palakpakang masigabong nagpupugay mailagak

Ng daan daang kataong taimtim nakikinig

Sa kabisadong katagang lumalabas ng aking bibig

Sa kanan at kaliwa'y, dimudumog ng tanaw

Mga tugo'y binabalik paglalamuna'y nauhaw

Iinum ka ng papuring malinis kong titignan

Ngunit madumi sa utak pag putol pinakinggan

Inuulan ng positibo't negatibo na kumento

Madalas nahahaluan ng mga bulong na kwento

Ano ang masama, sa isang pagiging guro?

Sa pribado na paaralan po ako nagtuturo

Hati sa dalawang panig kanino maghihinala

Mahal kong taga hanga sakin ka maniniwala

Di hinihingi respeto yan kusang binibigay

Kong karapat dapat bang inabot sa iyong kamay

Ang Buhay ay sadyang ganyan

Minsan ay may kalabisan

Ang mahalaga'y magawan ng paraan

At atin itong malabanan

At parang aking musika

Hangga't sa maarimapaganda

Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe

At daloy ng aking "Melodiya"

3

May matyagang nagaabang na magpapakuha ng litrato

Lagda ng aking pirma ay pangarap na kong itrato

Laman ng pahayagan, radyo at telebisyon

Puyat sa hindi matanggihang mga imbitasyon

Sa gabing pagtatanghal pulang telon nagbubukas

Hinahawi ng pangalang sinigaw ng makalakas

Ngunit handa ko yang bitawan ng buong paninindigan

Dahil yan utang na loob sa inyo mga kaibigan

Ko

Ang Buhay ay sadyang ganyan

Minsan ay may kalabisan

Ang mahalaga'y magawan ng paraan

At atin itong malabanan

At parang aking musika

Hangga't sa maarimapaganda

Ng maibigan ninyo ang bawat mensahe

At daloy ng aking "Melodiya"