menu-iconlogo
logo

Ng Di Magkalayo

logo
Letras
Inakalang isang panaginip lahat

Sa hindi matanggap na yugtong nagugat

Ng katanungan bakit

Kaylangan ikaw pa ang syang mawala

At maglaho sa akin na parang bula

Kunin palayo ng langit

Aanhin ko pa kaya

Buhay sa mundong ito

Kong mawawala sa piling ko

Di ko makakaya kong ako'y iiwan mo

Ikamamatay nitong pusong bigo

Magisang hinagkan ang paghihinagpis

Bakas ng lungkot sa mukha'y di maalis

Nalugmok sa pagdadalamhati

Dinadalaw ng iyong alaalang lipas

Habang nakatingin sa litratong kupas

Sinisisi itong sarili

Aanhin ko pa kaya

Buhay sa mundong ito

Kong mawawala sa piling ko

Di ko makakaya kong ako'y iiwan mo

Ikamamatay nitong pusong bigo

Ng di magkalayo

Nakatingila sa bituin tila parang may hinihiling

Dinig ng hangin bulong sanay muling makapiling

Mayakap ka masabi na

Magbalik ka sana o mahal ko

Kong ang iyong pagbabalik ay di na matitiyak

Sino na ang magpapatahan ng hikbi sa pagiyak

Kanino na ang desisyon ang kaylangan kong sundin

Pangarap natin dalawa nawalan na ang saysay

Naulilang puso ko unti unting nanlupaypay

Ngayon wala ka na mahal di alam ang gagawin

Ako'y nagugulumihanang tanggapin ito lahat

Kulang pala ang panalangin na akala ko'y sapat

Alaalang nalabi karamay sa pagluluksa

Iyong pahintulutan sanang mahagkan ng mahigpit

Maramdaman ang iyong halik sa pisngi kahit saglit

Doon sa panaginip ko ay patuloy paring aasa

Ng di magkalayo